November 15, 2007

Iba na ang simoy ng hangin...

...o mga basang basang basang pantalong ko lang un? Nabaliw na ba ang panahon o ano? (...or is that just my wet wet wet jeans? Was that crazy weather or what?!)

Akala ko, tumila na siya (ain't you so proud of me Carlo?) pero isa pala itong pagpapanggap para ako'y lumabas na at lumakad na papuntang opisina. At ng (nang?) makalabas ako at makalayo lang ng limang metro sa bahay namin, aba!, ayan na, bumuhos ang loko. Sira ang aking... ano na nga ba ang "poise" sa filipino?

Nahihirapan na ako. Ang bigat ng pakiramdam ng kaisipan (thought ba ito?) na baka may ilang munting barangay ng bacteria (technical terms are excused) ang kasalukuyang namumuhay sa aking paa at ibabang bahagi ng aking binti (legs daw ito sabi ni joy)... Kahit magbuhos ako ng maraming alkohol, hindi pa rin ako mapakali...

At ayan, gagawa daw ako ng ilang questionnaire para sa mga bagong proyekto. Eto ako ulit, nangangapa sa munting nalalaman na Tagalog... Mabuhay ang Market Research!

No comments: